Dec 6, 2008

Balik bloghopping na naman ang witchy ngayon. Haaa...it's been so long na rin keya namiss ko tuloy. Naenjoy kong masyado yung blog ng bago kong friend na si Doktora Rio! It is really an experience journeying her. Particular kasi ako sa ngipin. Iyun kasi ang una unang kong pinagmamasadan kapag nakikipag-usap ako sa isang tao. As if maganda epen ko~hehehehe~ coffee drinker keya? So wa na e-expect na white and shiny itong akin. There was one time this year, nagpalinis ako ng epen taz itinanong ke Dentist Lourdes if magkano ang magpaputi ng ngipin, she told me na 50 thousand daw.
Ahh, sayang naman, pwede ko ng i-envest sa lupa ang pera. Mura lang kaya ang lupa dito sa Gensan.
Napansin yata ng kaklase kong dentista na di ko type ang presyo kaya sinabi nyang meron naman daw tag-ten thousand pero parang ako pa ang maglalagay ng medisina~ hay! etsus! Ayoko ng ganyan uy! Mamaya magkamali pa ako. Kaya eto, balik na lang ako sa pag-aaply ng baking soda sa epen ko. Well, it's working naman so di ko na masyadong pinu-prublema. I got this Sampung Kalokohan Thing from rio's blog. Nakyutan ako at na-amused kaya nakikigaya na rin. Hmm.. Ano nga ba yung top ten kalokohan ko?


1. Yung banyo namin sa bahay medyo malaki. Dalawa. One from my parent's room and the other one katabi ng kusina namin, yun ang common~gamit for everybody~. Dun ako nakikigamit sa banyo ng Mom since birth kaya nakasanayan ko na and when I do eto yung ginagawa ko~ I-turn-on ang electricfan sa loob habang pumupopo (pasintabi po) tapos magbabasa ng book. Me kasamang cassette na merung sentimental value sa akin sapagkat gift ng Papa ko iyon nung debut ko. So ganito, me electricfan ako at me music inside the banyo. Di ako makukuryente kasi safe naman ang lay-out. Malaki nga kaya di mababasa ang radio at fan. Tapos habang naliligo sumasayaw.

2. Mainit dito sa Gensan. Halos lahat ng room sa hauz me aircon naman pero when you go out, ang init-init. Kaya its always a refresing moment kapag naliligo ako ng me ice sa balde. Saraappp talagaaa.... feeling ko nga nasa iceland ako~ harharhar.

3. Subra akong matulog. Umiikot na parang relo. Kaya ng si Bien dun na sa kabilang rum kung matulog. When Ervien's here naman, he would wrapped me in his arm para di na ko makagalaw. Weird kasi usually I can't sleep~ nasisikipan ako. But with him panatag ang tulog ko.

4. Gusto ko yung mga taong werdo, maldita,writer basta hwag lang yung plastik. Di ko sila kayang i-handle. Hate ko rin yung di marunong magmahal. Yung parang take lang ng take tapos di naman namimigay in return. Selfish! Selfish nga ang tawag sa mga ganun.... ayoko rin sa kanila. I can't stand a second with them.

5. Mahilig ako sa kahit anung babasahin basta ba gusto ko yung writer. Nagbabasa rin ako ng komiks. Sad nga lang kasi mukhang wala ng tagalog komiks ngayun. Eh nung elementary pa ko subrang addicted ako sa komiks kaya tuloy ang mommy napilitan akung ibili ng mga pocket books na Sweet Dreams at Sweet Valley High para lamang i-divert ang hilig ko! Lintek kasi na Yaya~ hehehe~ subrang hilig magbasa ng romance pocket books at komiks keya nahawa ako. Pero when I got addicted sa Sweet Dreams Books~ Si Mommy talaga yung unang natuwa. I still remember na she would call her sister sa Manila para lang i-package yung mga books na i-norder nya. Ka-suwerte kong bata. Bawal toys nun sa amin kaya until now di ako mahilig sa laruan (pero mahilig akung maglaro~ nyaksss....mushy!)

6. Di ako mahilig magluto pero kapag nagluto ako~masarap daw! Panu kasi, nagbabasa rin ako ng mg recipe books. Binabasa ko lang~ wala naman sa puso. Yun pala ang junding eh mag-aaral din ako ng baking ngayun! Try nyo... masarap talaga mag-bake.

7. Masyado kong mahal ang Grey's Anatomy na TV show ngayun. Kaya idi-nawn-load ni Daddy Ervs ang lahat ng episode. Nahawa ako ke Bien. Sya yata ang nakadiscover nun. Eh, may nakita akung kissing scenes kaya pinatigil ko sya sa kapapanood. Dyaskeng bata~ tapos sinubukan kong panoorin~halaka biglang na-gwapuhan ako ke Patrick Dempsey~kaya yun... di ko na crush si Jet Li. Pero ang true love ko naman si Andy Garcia forever tapos yung pinagpapantasyahan ko naman sexually ~hehehe~ ay 'yung koreanung lalaki na bida ng TV Novelang MY GIRL~ si Lee Dong Wook~ Ayyy... just merely uttering his name makes me weak. Naykopuuuu!

8. Halos lahat ng damit ko kulay itim kaya di ako pwedeng maging United Nation Ambassador ng Pilipinas. Mamaya iisipin nila that our country is promoting witchcraft~y~ hahayy ang cornyyyy...

9. Mahilig ako sa mga scarf. I cover my face kasi kapag nasa labas ako, ayukung maarawan. Matutunaw ako. Eeee!

10.Mahilig ako sa t-back (shhh...) Ewan. Malamig kasi sa pakiramdam.

Jei your turn-Tag kita.



2 comments:

Anonymous said...

wahahaaa! naaliw ako ng sobra sa post mo na ito! The witchy attitude reigns!
ang sarap ng may malaking cr! Lagi ko ngang naririnig yang Grey's Anatomy... wla na kasi sa tv ang mundo ko e

SailorWitch said...

Gang Lae~ baduy ako baka mahawa ka.....