We were strolling Robinsons nung panahong bagong bukas pa lang ito.
Nauna syang pumasok dun sa grocery section ng mall.
Guard: Good morning Maam.
Gladys gave him her usual flirtatious smile. Eh sa ganun sya eh, 50 percent lang yung pagka-kiri ko kumpara sa kanya. Napapasimangot ako kapag ganun sya. Minsan kasi feeling ko hindi talaga namimili ang bruha.
Papasok na rin ako. Kasunod nya.
Guard: (Manyak, nakatingin sa cleavage ko) Ang ganda nyo Maam. (Bati nung guwardiya)
Ngeek... wala akong nakita, walang narinig. Magaling yata akong mang -ignore.
Biglang me pumalag! Medyo nagulat ako.
Gladys: Ulit, ulit! Bumalik si Gladys sa kanyang dinaanan. Unfair yan! Sabihin mo rin sa akin yung sinabi ko sa kanya.
(Napa-smile ng matamis yung guard. Buti na lang di masyado busy)
Guard: Actually Maam, mas maganda po kayo.
Gladys: Korek!!! Mas maganda talaga ako dyan. Suplada yan eh.
Ayan! Nilait nya ako. Pero subrang saya na n'ya noon ha?
Tama ba yun? Justice!
We've been friends since birth and I will always love her everything. Idol ko talaga s'ya pagdating sa lakas ng loob. Key of Valor! Si Gladys na yun.
Nov 30, 2009
One More Time with Gladys
Posted by SailorWitch at 8:49 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Ang tindi ni Gladys!!!
anong bago?hehehehe...in fairness ang ganda nga nya tlga....
Post a Comment