Nov 11, 2009

Bien's Nightmare

I'm sad kasi me sakit si Bien. Tatlong araw ring absent sa school. Eto namang Pedia nya nasa Manila at me convention na inatenan! Ako naman OZING-OZI. Ayaw na ayaw kong papalit -palit ng doktor. I told my self na kapag 3 araw na at wala pa ang doktor ~ maghahanap na ako ng iba.

On the second night, nilamig si Bien. I hugged him tightly tapos ini-off ko ang aircon. Balik basa ng book ni Mareng Nora (Nasa Cirle Trilogy na ako). Biglang nagsalita si Bien habang natutulog. Naalarma ako. I wake him up sabay niyakap siya ng subrang higpit. Tapos sinabi nya to me na " Mom I had a nightmare!" habang pinupunasan nya nga kanyang palad ang mga mata.
"What happen in your dream?" I asked him
"The snake eats me." he answered.
"What did I do? I just let it happen? Imposible yan. I won't let that snake harm you. Kakainin ko muna sya." I told him habang nanlalaki ang mga tsinita kong mata.
"No, Mom. In my dreams, I died. The snake left me with my skeletons!"
"Naku Bien, let's pray. Bad dream lang yan."
Nakatulog naman uli ng maayos.

Kaya kaninang umaga, first thing talaga yung naghanap ako ng bagong pedia.
Pinacheck ko lahat ng vitals ni Bien and I even told our new Doctor about what bothers me. Takot ako sa Dengue. Sino ba namang hindi. Cool naman ang Doctor. Matanda na pero magaling.
Ang point ko lang talaga is, natakot ako dun sa dream.
Stay away bad omen! Di kita kaya!
Ayoko kahit isipin man lang.


No comments: