May 21, 2009

I'm actually thinking of unsubscribing my internet connection for a while until i will have new clients again. This is a part of my cost-cutting strategy. It's just that my son is too connected with the internet. He said he can not afford to sign off. Whoaa... cute!!! "yun lang ang sad part. But the rest is okey lang naman. Wala eh, positibo kasi akong tao kaya doon ako mag-i-istick sa mas tamang gawin.

It is more practical if the payment intented for smartbro will realign in to bookbuying.
So maybe next month, padalaw-dalaw na lang muna ako dito.
I hope you would still find time to visit my house.
So long!!!!!

May 19, 2009

tHANKS mOM


THANK YOU KE MAMA VICKY FOR THE MONEY SHE GAVE ME.
HAYZ MAMA, I JUST COMPLETED THE BOOK SERIES I'M DYING TO BUY.
ISANG MILYUNG THANKS YOU TALAGA!

Watching TV

2009 is probably not my busy year! Since the beginning of summer I just spend my time reading books authored by my favorite filipino writers and from Ken Follet's novels. Sometimes when my eyes get tired, I go watching old movies and cable channels.
It feels good to be at home most of the time. Spending more moments with your growing kid and doing nothing together.
My husband loves it when I'm just home and I had this feeling that he likes it more when I'm not busy working. But the thing is, even at home, I can't help but get my self busy. In a way, I can say that I'm such a hyperactive mommy.

Just this morning, Ervien sent me some text messages telling me to visit the website about Direct TV and so I complied and after reading the content I was a bit interested.
I'm still thinking of subscribing it and I'm actually excited having the Direct TV Service right inside my home!
Come to think of it,Bien will be getting besthead start for his favorite playhouse disney channels. Hundred of channels to pick up for his imagination and learning skills important to childhood development everyday.
It surely offers a collection of an award-winning programs and learning based activity segments to engage and stimulate the imagination of my son's young mind and also mine as well!
Direct TV System will help me choose channels to watch that would help my son as he grows up and learn everyday.

Apr 20, 2009

My birthday

Geeekk!
Birthday ko na bukas. Maghahanda ang nanay ko para sa akin. Si Papa Andrew naman me ibinigay na advance gift to me nung sunday pa. It's a titanium bracelet. Gamut daw ito. Sinisipsip ng bracelet na ito yung mga sakit-sakit sa katawan na nararamdaman ko. Meron sina Mom and Papa noon. Years na rin nila itong sinusuot and according to them napaka-effective naman.
At sa tuwing nakikita ko ang mommy, lola at ngayon ako na isinusuot ang titanium bracelet na bigay ni papa, natutuwa ako ng husto. Cute lang kasing tingnan na ang lahat ng bidang babae sa buhay nya ay me tatak na bracelet from him!

dalawang taon ko na ring naging ritual na kapag bday ko, hindi ako gagastos ng pera. Wala lang, sariling pamahiin ko lang naman na mas lalong lalago ang bulsa ko kapag ginagawa ko ang ritual na 'to. So far naman, ang pamilya at mga malalapit kong kaibigan ang gumagastos. Sarap no? I feel so important!

Tapos ngayon habang pinipindot-pindot ko ang keyboard na ito, biglang tumawag si Gladys. She is inviting me for a boracay mix party bukas ng gabi. Birthday ko daw kasi kaya maghahanda sila. Me duda akong mag-iinuman kami bukas ng gabi. Sayang wala si Daddy Ervs. Busy. Nasa ibayong bundok. Nakakamiss tuloy. But for sure I will be having an enormous day bukas. Yun naman ang dapat. Make way to be happy!

On my birthday, 31 na ko! Nine more years pa para magpasexy ng katulad ni Beyonce. Ayuko naman yung payat. Baluptos lang.... mas in yata yun. Hehehehe... nangangarap lang namang maging fabulous at 40! Wala namang masama dun.

Siyanga pala, I'm not really a fan of Kris Aquino pero kanina habang nakikipila ako sa grocery ng KCC upang bayaran ko ang binili kong quakeroats, nakita ko ang magazine ni Kris Aquino. Out na pala sa market 'yung newest issue niya. Binili ko kasi dun sa nakasulat na topic about "Ukay going glam"
Na-curious lang, kasi ifi-nityur ni Kris yung tungkol sa ukay-ukay.
Naka-relate ako, kasi maarte nga akong tao pero di ako bumibili ng morethan 100 pesos na damit. Di ko pa nababasa ang magazine but for sure I'm going to enjoy it.
Naalala ko tuloy si Jei.
Sya kasi yung talagang nagpu-purchase nga magazine ni Kris. Nakigaya uli ako. Hehehehe








Apr 18, 2009

Elvie and Chona Baby

I had a good time connecting with my old friends and officemates just today.

Chona who is still employed in that agency and my other friend Elvie who is currently working in Singapore.

First Meeting with Chona.

We are in our twenties and still single when we started working together.

I remember Chona wearing her suit on my first day of work. She was in a red mini-skirt with a white tops roofed with a red blazer which made her look like an executive.

I was really thinking that she was my boss next to the Project Director Ma’am Venus Bermudo. That was why she made me so confused when she asked me kung nasaan nakalagay ang mga brooms ng opisina. I was new then so I told her honestly that I didn’t know. Kinabahan ako ng todong-todo. I keep on blaming my self for being so insensitive sa needs ng boss ko, only to find out na pareho lang pala kaming bago sa office noon. Upon knowing it, I was laughing so hard alone inside the comfort room. I can’t believed na na-loko ako sa porma ng babaeng yun!

Years passed by, we became not only a working mate but a friend as well. She married our office-mate Tonio. The couple were popular at that time. They made our mornings, afternoons and evenings complete! Inaabangan namin ang bawat scoop ng mag-asawang ito. They give us so much joys and laughter.

She didn’t know kasi that in her own ways, she can make us smile and laughed so badly.

Tonio and Chona was really a pair that I can’t forget.

My everyday is full of funny moments with her. I might have forgotten the exact scenarios but whenever I see her, I could still remember the pleasure it bears in my heart.

Fun with Elvie

She was a Dindi Gallardo look-a-like.

Carefree and flamboyant.

She was actually working with my mother-in-law in the other division where our office was connected. Maybe at that time, she was hearing something not so good about me, obviously, since me and my mom-in-law were still in the process of acceptance. These were just but a typical mom and daughter in-law scenario. The good thing is all were tolerable right now.

What I remember about Elvie is that she is always loud.

Kahit saan sya ilagay, napakaingay nya.

Pero, sobrang galing ng PR nya.

She can make you love her.

Kahit na yung mga Boss namin finds her amusing.

She got talent!

She is a terrific dancer.

A singer as well. She sings even better that Susan Boyle.

I am thinking nga right now, na kapag sumali lang yang si Elvie sa Survivor ng GMA, she will make it. Talented kasi sya. Walang sinabi si Ai ai de las Alas kung si Elvie lang man ang magpapatawa.

Ngayon nga that we were in a conference chatting, sobrang happy at tawa lang kami ng tawa. Paano pa kaya kung bibigyan si Elvie ng break sa showbiz?

She will make it.

I am sure of that.

footsteps on the ground



I was delighted to be able to do the whole hiking in less than four hours with my Lola and still able to catch her smiles, the more she became alive and energetic. Regardless of what emtions life might be holding in reserve for her this year, she always found this experience happy to bear. She would always tell all my friends about her Mt. Apo trip when they visit me home.

We were dancing actually in that mountain to dutifully perform the rituals and dances she had taught me, but what I can see in her eyes is the yearning to be out in the world, to see a little nature.

It was an overcast and the clouds were very low but the physical exercise and the whiskey helped fend off the cold. The path was a little narrow for us to walk along side by side so I went ahead, my Lola followed, mom was in our back and Gina was busy taking pictures. It was hard to talk in these circumtances but we always do and even laughed together at times because my Mom really is a funny person. She can easily makes you laugh, that way we enjoy the nature around us.

She was gazing with a childlike fascination at the landscape. It was indeed a God's signature.

This was the moment were I felt like using all my senses. The path we were walking suddenly felt wider and all my senses were working. Then Lola murmured something to me. My heart was afraid. As I looked up the sky, I realised that this woman is important to me.

"Love-love,Ikaw ay laging magpakababa. Yumapak ka lagi sa lupa sapagkat diyan tayo nagsimula at diyan din tayo papunta." Lola told me.
It feels like as if the whole nature is seeping my soul. She began stroking my hair and prayed for me silently. Various thoughts flashed my mind. I no longer felt the cold then at last my Lola hugs me.
"Lola"
"Bakit, Ineng?"
"Mayabang ba ako?"
"Aba, Oo naman. Lahat ng tao ay me kayabangan. Kaya nga ang dasal ko ay lagi mong alalahanan na yumapak sa lupa."
I smiled to her and kissed her in her forehead.
I was such a good follower but it confuses me actually.
I told my mom about my feelings and she told me that I will get more confused if I still refused to believe na me kayabangan ako. I must believed that naturedly mayabang ako and in that way I can always keep my feet on the ground.
I tried and I realised that Lola is right. Kaya pala, literally, kaming lahat habang naglalakad ay di gumamit ng tsinelas. Kami ay nagpakababa at umapak sa lupa.
Being humble is morethan that, I would still have to learn it as long as I live.

Apr 17, 2009

sailormoon moves

Sailoormoon dance with Gina.



Lola Sings


Lola shared to my father how she had dream to reach the Holy Mountain as she calls Mt. Apo. Strongly, she believes that God will hear her more when praying on that highest tops in our country. The holy week made her dream came true.

And oh, my…….. she actually sings when she is happy!

Lola is in the bliss during our travel. The emotion is so much visible in her face. In fact very contagious that even us felt the aura! While she sings, the kids attentively listens to her. I was thinking that somehow I am so like my Lola.

I also sings when happy. Kahit na nasa mall pa ako o kaya nasa jeep with matching dancing pa yan. Kaya nga ako parating nakukurot ng nanay ko nung kadalagahan ko pa but now it’s my husband who would just smile when I do that thing. Ay… siguro nakyu-kyutan din si Daddy Ervs like how I find Lola very pretty singing in joy while we are mobiling!

My cellphone rings ( as rin ringing tune na kring….. kringggg….)

It's a message from my Mother who at that time sits beside Lola.

She texted me na “alam mo na kung saan ka nagmana?”

I smiled and looked at her habang si Lola ay nag-si-sing pa rin.

And so I replied….

“Bakit di mo kinukurot?”

“Bruha, ikaw kaya ang kurutin ko?” replied by Mom thru text pa rin.

And while reading it, pinigilan ko talagang tumawa kasi baka isipin ni Lola na mina-mock ko sya.

Apr 16, 2009

Happy birthday, dad



Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway.

Boy I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life.

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But dont let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

(Too doo doo...)
Let me hear you sing it
(Too doo doo...)

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye

(Too doo doo...)
Let me hear you sing it
(Too doo doo...)

'Wish you are here....
Happy birthday, Dad!

May all your dreaMs come true .
This song is for you.
Kisses...muwaaahhhh ..muwahhhh...muwahhhhh


Apr 15, 2009

Dancing with the mountain


Hot sun as warm as the kissing of the wind
Fooststeps in perfect time
Heartbeat as loud as the whisper in the wood
Hold me this dance is mine
The dance is mine


We are alone, your love excites me
You are the earth moving inside me


I feel like dancing with the mountain
Feel the rhythm walking on air
Feel like dancing with the mountain
Feel the rhythm dancing with the mountain


We climb up into the shelter of the sky
Footsteps on higher ground
Your voice as soft as a river running dry
Hold me this dance is mine


We are alone, your love's exciting me
You are the earth, moving inside me


I feel like dancing with the mountain
Feel the rhythm walking on air
Feel like dancing with the mountain
Feel the rhythm dancing with the mountain


I feel like dancing with the mountain
Feel the rhythm walking on air
Feel like dancing with the mountain
Feel the rhythm dancing with the mountain

Apr 14, 2009

My Mom and My Dad





We took-off early from General Santos City to Mt. Apo where we spend our Holy Week.
We had taken our brunch in Kidapawan Plaza's river-side at around 11 o'clock. Imagine, all of us had only bread and hot choco for a breakfast. But despite of that, we were so happy travelling! Para bang ngayon lang kami uli nakalabas ng GenSan.

The plaza had a simple, cozy and quite ambiance. It is amazing! Napasarap tuloy ang kain ko.
We had our baon na niluto ko at ni Gina (My Mom's adopted sister) na parang kapatid ko na rin. Kapag kami pa namang dalawa ang cook, masarap talaga.

After eating , we strolled the area. The kids were busy gracing the mini-zoo. They saw some of the wild animals and they joyfully played in the playground.

I was with Gina and my Lola watching the scenery in the area.
We also saw Mom and Dad in their sweet moment. Para silang bagong lovers na nag-dedeyt!
"Ang sweet talaga ni Pat, hane?" Ani ni Lola sa akin.
"Oo nga" sagot ko naman ke Lola.

Di namin mapigilang ngumiti. Ke ganda nga namang pagmasdan na even in that age, they're still sweet.
I'm used watching this sight esp at home pero mas nakaka-touched palang pagmasdan if you would see your parents dating like a newly weds at katulad ng mga lovers rin na nag de-deyt dito sa plaza na nakasabayan namin. The difference is that, they're younger. Sumisibol pa lang yung love nila. Kina Mom and Dad, crunchy na.
Tested by time.

Me nakita nga akong ngalalambutsingang lovers. Feeling ko mga highschool pa lang yung mga yun.
Naisip ko agad si Leslie. Panu kaya kung sya yung nilalamutak ng ka-date?
I dont know how would I react.
"Yuckk Tita. Kalu-od sa girl o. Naga-kiss sa boy!" bIglang enter ni Leslie from my back.
"Luka, mas lu-od kung naga-kiss sa kapwa girl." sagot ko naman.
"Ewww..." si Leslie pa rin.

Hinila ko na palayo. Baka saan pa mapunta ang usapan namin.
hehehehe
Si Mom and Dad pa naman bida ko ngayun.










Conversation with God

I don't know how to make our God happy but at this moment of my life I wanna do something worth that will satisfy Him.
In that mountain I prayed so hard . I wanted to feel Him.
After an hour, I cried. I don't even know why.
And so I continue crying.
With no reasons at all.
but deep inside my heart
I feel happy.
I feel light.
I knew that God touched me.
With out words, I had my conversation with God.

After the Holy week in Mt. Apo, I've come to love having a few moments with God in my room especially during dawn time.
It feels happier.




Apr 3, 2009

Second good thing






I have already shared the story of my sister-in-law who went back to her mom and dad because of personality differences with my brother. For some reason she and my mom decided to coninue the studies of my nieces here. That decision made my Mom love her more than ever. The two became really good friends. She came here in GenSan (for a visit) with an open arms from us. I know my brother is happy everytime she is near kaya lang siguro yung pride nilang dalawa ang pumipigil sa kanilang magkabalikan.

Wala namang nakikialam. Kahit kinikilig kami kapag nagmamatigasan ang dalawa, hindi pa rin kami nakikialam sa kanila.

And so she came back here to celebrate the first birthday of their daughter Lyrha kasabay na rin ang pagkuha kina Maxine and Lean para naman makapagbakasyun sa kanilang lolo at lola na nakabased sa Davao del Norte.

During the party, nakamasid ang lahat sa kilos ng mag-asawa. Syempre the kids were very happy. Complete ang family kasi. Wala ng tatalo pa dun. Pero sana magkabalikan na at magkapatawaran. Or sana ma-realized nilang dalawa na in a relationship, kailangan talagang mag sacrifice. Matutong magtiis, umunawa, at pagsumikapang i-respeto ang isa't -isa.

" Aba'y Enle, para silang si Sharon at si Gabby." ani ng Lola ke Mommy habang nakamasid sa dalawa.
"Nanay, di naman nagkabalikan yung dalawa. Hwag naman sana." Sagot ng mommy.
Umentra ako kasi di alam ng Mom and Lola na nasa likod lang pala si Ruffaya (hehehe, joke lang po)
"Hoyysss... anu ba yan. Magkakabalikan yang silang dalawa Mom.
Ala Martin and Pops." sabi ko.
"Di pa naman nagkakabalikan sina Martin at Pops." Hirit ni Lola
"Pero magkakabalikan yang dalawa." si Lola uli.

I keep quiet. But like my mom, the kids and my Lola, I am also wishing for a happy ending.

So the second best thing happened today is when Cielo and darwin gives us hope that they will patch things up.


First good thing

"Bien, ayusin mo naman yung posing mo."
"Ahh, Mom, mas maganda ito."

But he also posed naman ng nakaharap. Kinum,binsi ko pa ngang pictyuran sya ng nakatalikod pero sabi nya pang witchyboop lang yun. Ayaw nyang gayahin. Ahahahahaha!

There’s two good things we celebrated yesterday.

The first one was Bien’s recognition in grade one.

He was a bit disappointed for making it top 6 in his class but at the end of the recognition program, he realized that all his classmates who made it in top ten deserves the ranking.

I asked him what made you realized that?

“It’s in the record, Mom” he answered shrugging his shoulder.

It’s more important to realized how we have done things. I think my son was disappointed because he did not make it good during those days where in he still have the chance to make his academics better.

“Bien this is something worth celebrating for. You must be happy. Kung disappointed ka, just make it better the next time. Me bukas pa naman.” I said to him.

“How about my future?” he asked again. Natawa ako.

“What about your future?” tapon-tanong ko uli sa kanya.

“’Yung future gud, if I have my work,tapos mag-asawa na kami ni Cammille.”

“Ah, hindi naman porke you have no honors eh wala ka ng future. Bunos yung me honor ka kasi parang it’s a gift from your self that you were recognized at the end of the school year. You also make your Mom and Dad very happy kasi pinapapawi mo yung hirap nilang maghanap-buhay para mapa-igi ang future mo. But it doesn’t mean na wala kang future kung wala kang medal.”

I was looking at him seriously pero para bang kulang pa yung mga explanations ko.

“Mc Do tau?” Aya ko sa kanya.

Hindi sya excited! He usually shows excitement kapag niyaya ko ng ganun.

Neh, sabi ko sa sarili ko, explain na pud!

“Sad ka talaga?”

“Di naman, iniisip ko lang.” Bien said while we were riding a jeep going to Mcdo.

“Bakit mo iniisip?”

“Gusto kong malaman eh.” Ani ni Bien

“May future ka, believe me. You are a good son and I am sure in time, you will be a good father and a husband as well.” Hirit ko.

“Just like my Dad?” Tanong ni Bien, nakangiti na.

“More than your Dad.” I assured him.

“Happy na ako Mom. I will do better the next time. I asked man my teacher kanina what is wrong. She said kasi daw pangit ang writing ko. Alam ko na, magpractice ako mag write this summer.”

“Sige, tulungan kita.” Sagot ko naman habang ginugulo ko ang damit nya.

Typical kid kasi when we were in Mcdo, nakalimutan na niya yung mga things that made him worry. Or siguro nasagot ko ‘yung mga tanong niya.

Apr 2, 2009

Ethan 2

Another video clip of Ethan.
He sings!!!!



Mar 30, 2009

You tube ni Ethan

Parang katabi ko lang si Ethan while watching him with my whole family!
Si Mommy kinikilig habang ang Papa naman ay nakangiti.
The kids were all shouting Ethan's name.
My Lola naman is a little surprised how Ethan grow that big.
He is so cute.
Patriciong-patricioooo...

Mar 27, 2009

Ang Lola Angeles ko

My Lola is spending her vacation here in Mindanao. Matagl na rin naming inaaya here at kung hindi pa nagtampo ang Lola sa isang anak dun, di iyon magpapasundo ke Mommy. I was in Grade One the last time she was here. First Honor pa ng ako nga ako nung grade one at siya pa ang nagsabit ng medal ko sa leeg. (Yung pagiging first honor ko, di ko man nagamit when I started looking for a job, nagamit ko namang pangyabang ke Bien ngayun)She really can't walk much na. Obvios na nasasaktan syang lumakad and she is too careful na ibina-balanse ang katawan so that she can walk well. It pains me seeing her na ganun keya lang Mom told us na hwag ipapakitang naawa ke Lola because she's not going to like it. At kung gusto namin syang tulungan lumakad dapat hindi obvious na inaalalayan namin sya.

And so I talked to her a lot kapag me pupuntahan sya, kunyari parang yakap ko lang ang hips nya pero inalalayan ko pala ang Lola nun. Tingin ko naman alam ng Lola na niloloko ko lang sya. She is sharp. She can read your mind through ur eyes at nakupooo...magaling syang manghula. Naaaliw naman po sya kapag sya na uli ang hinuhulaan ko.

I'm with her kasama ang Mommy hanggang makatulog sya. At kapag tulog na sila , balik na ako sa room ko. Best part ng moment na yun is yung nakikita ko ang mommy at sya na nagtatawanan, nagkukuwentuhan. Narealized ko tuloy that we are so lucky for this wonderful chance. Chance ke Mommy and Lola na makakagawa sila uli ng good memories. Chance para sa aking discovery na sa kanya ko pala namana ang halos lahat ko na traits.
Makuwento
Mahilig magbasa
Mahilig sa bata
hindi madamot
Mahilig sa mga kuwentong engkanto, artista, tikbalang, at iba pa.
Higit sa lahat ang Lola ko pala ang original na witchy boop.
Malaki puwet, malaki dodo, maliit ang waist line at hanggang ngayun sa edad nyang otsenta maarte pa rin, mahilig mag make-up, at araw -araw naglalagay ng gata at kalamansi sa katawan.
Sabi ng ibang friends ko, kamukha ko raw sya kaya lang, ako yung matangkad na version ni Lola.

Chance rin for the kids na makita at makipagkwentuhan sa Lola nila sa tuhod. Ang topic ng mga bata ke Lola, mostly, ay yung gyera noong panahon pa ng Hapun.


Kanina lang natuwa ako kasi kuwento nya sa akin na sya raw ay isang tanga na humahanga ke Sharon at ke Gabby. Kung magkakapelikula ang dalawang yun, sasamahan ko raw syang manonood ng sine.

Aba! Lola!!!! Ang sagot ko.
Manonood tayo!

Napangiti ang Lola at ako ay kanyang niyakap. Niyakap ko rin naman ng buong puso at hinahalik-halikan ang Lola sa batok.

Ayyy... naisip kong mana nga ako sa kanya.

Dahil na inspire ako ngayun, naisip kong panoorin yung mga movies compilation ni Shawie na iniregalo ko ke Jei. ( Pwede kayang mahiram yun, gang?) nyehehehe...

Ngayun naman habang idina-download ko itong debut party ni Sharon at video clips ng kasal nilang dalawa ni Gabby , katabi ko si Lola. Masyadong excited!
First time daw nyang mapapanood ang debut at kasal nilang dalawa ni Gabby!
Buti na lang me You tube!~
Nakuuu..... para po kaming bata ni Lola.
Masayang-masaya kami na makakapiling namin sina Sharon at Gabby ngayunnn.
O siya,,, manonood na kami.

See yahhh...

Mar 23, 2009


Bien's Funny Pilipino Komiks for kids
and the Discovery Magazines he is enjoying to read.

Bien's summer vacation is coming.
Since he is no longer busy in school, he finds time reading more magazines, komiks and books. Most are science related and comical stories.
He would tell me that he will going to blog the articles he had been reading from Discover Magazine but he would end up posting articles about her favorite cartoon network show Ben Ten.
He sleeps with his cousins Lean ( yang batang natutulog na nakasuot ng green gown ~ At kung makapag-pose, parang ako! Carefree !!!)
Before going to sleep, he would read. I have been wanting that naman. Kaya nga kahit namumulubi ako, I would still bring him to bookstore para mamili ng bisyo.
At umiinom pa sya ng Cali Shandy! (paminsan-minsan lang naman.)
When I came back from Banga, ang hininging pasalubong ni Bien ay Komiks hindi toy!
Nakakatuwa!
Na-e-enjoy ko na ngang masyado ang anak ko na ito.
Sarap i huug lagi!

Books


Natuwa naman ako while reading some books of Bob Ong.
Nasabi nya kasi dun sa libro na me nabili syang books na kung saan ay me copy rin ako.
Matagal na rin ito sa akin. Malapit na ngang maging antik (~tuwa~).
Kung si Bob Ong binili iyun dahil sa disappointment sa kakulangan ng mga books authored by filipinos tungkol sa pagsusulat, ako naman ay sadyang binili yun dahil pinangarap kong makapag-sulat din ng romance novel.

Past time ko kasi nung college ang tumambay sa Victoria Plaza at maghanap ng mabibiling second hand books sapagkat di kaya ng baon ko ang bumili ng mamahaling libro. At that time, wala pang Gaisano Mall or SM or National Bookstore sa Davao. Kaya maligaya na ako sa Victoria Plaza.

In a way natutunan ko ang mga technical aspect ng pagsusulat for komiks at pocketbooks sa librong iyun. Di naman din kasi itinuro yung mga bagay na yun nung college pa ako. Ang pinaka the best part dun ay yung naiintindihan ko kung paano sinusulat ang mga komiks at romance novel na binabasa ko buong magdamag.

Kapag naman masyado akong na-hooked ng story, di ako natatakot umabsent o kaya'y ma-late sa school kahit na me exam pa ako (proud pa ha?).

Yung Trip to Quiapo ni Ricky Lee ay sadya kong pinabili sa Manila. My cousin send it to me. Wala lang, gusto ko kasing malaman yung difference ng turo nya sa script writing compared to my teacher noong araw. Masyado na kasi ang bilib ng iba kung classmate ke Sir samantalang ako, ni hindi ko man lang makapa kahit na kunting paghanga sa kanyang style of teaching. (Mahirap talaga akung i-please noong araw)

Ricky Lee came to visit my school. Workshop yata yun na kung saan siya ang aming speaker. Medyo boring syang pakinggan kasi nga malumanay kung makipag-usap si Mr. Lee but that was one of the best moment I ever have during those days.
Ang pinanghihinayangan ko lang naman ay yung hindi ko naitanung sa kanya ang mga bagay bagay na gusto kong itanong. Lintek! Nahiya kaasi ako nun! Grabee... na-shock nga ako sa sarili ko kung bakit ko naramdaman ang damdaming iyun. Shit talaga kasi looking back, natatawa na ako.

Me mga story to tell pala yung ibang mga bagay na naitago na natin.
Di ko na sana mapapansin ang mga librong ito kung hindi ko nabasa ang buk ni Bob Ong.
Na-touched ako kaya tuloy ini-a-arrange ko ulit yung mga libro kong kinokolekta.