Apr 20, 2009

My birthday

Geeekk!
Birthday ko na bukas. Maghahanda ang nanay ko para sa akin. Si Papa Andrew naman me ibinigay na advance gift to me nung sunday pa. It's a titanium bracelet. Gamut daw ito. Sinisipsip ng bracelet na ito yung mga sakit-sakit sa katawan na nararamdaman ko. Meron sina Mom and Papa noon. Years na rin nila itong sinusuot and according to them napaka-effective naman.
At sa tuwing nakikita ko ang mommy, lola at ngayon ako na isinusuot ang titanium bracelet na bigay ni papa, natutuwa ako ng husto. Cute lang kasing tingnan na ang lahat ng bidang babae sa buhay nya ay me tatak na bracelet from him!

dalawang taon ko na ring naging ritual na kapag bday ko, hindi ako gagastos ng pera. Wala lang, sariling pamahiin ko lang naman na mas lalong lalago ang bulsa ko kapag ginagawa ko ang ritual na 'to. So far naman, ang pamilya at mga malalapit kong kaibigan ang gumagastos. Sarap no? I feel so important!

Tapos ngayon habang pinipindot-pindot ko ang keyboard na ito, biglang tumawag si Gladys. She is inviting me for a boracay mix party bukas ng gabi. Birthday ko daw kasi kaya maghahanda sila. Me duda akong mag-iinuman kami bukas ng gabi. Sayang wala si Daddy Ervs. Busy. Nasa ibayong bundok. Nakakamiss tuloy. But for sure I will be having an enormous day bukas. Yun naman ang dapat. Make way to be happy!

On my birthday, 31 na ko! Nine more years pa para magpasexy ng katulad ni Beyonce. Ayuko naman yung payat. Baluptos lang.... mas in yata yun. Hehehehe... nangangarap lang namang maging fabulous at 40! Wala namang masama dun.

Siyanga pala, I'm not really a fan of Kris Aquino pero kanina habang nakikipila ako sa grocery ng KCC upang bayaran ko ang binili kong quakeroats, nakita ko ang magazine ni Kris Aquino. Out na pala sa market 'yung newest issue niya. Binili ko kasi dun sa nakasulat na topic about "Ukay going glam"
Na-curious lang, kasi ifi-nityur ni Kris yung tungkol sa ukay-ukay.
Naka-relate ako, kasi maarte nga akong tao pero di ako bumibili ng morethan 100 pesos na damit. Di ko pa nababasa ang magazine but for sure I'm going to enjoy it.
Naalala ko tuloy si Jei.
Sya kasi yung talagang nagpu-purchase nga magazine ni Kris. Nakigaya uli ako. Hehehehe








9 comments:

jei said...

friendship! happy birthday! no need to wish you all the luck and happiness kasi mukhang nasa tabi mo na ang mga ito. mag-enjoy ka bukas ha. love you. happy birthday uli. mwahhh!

jei said...

by the way, di ko na naipagpatuloy ang kris collection ko...cant afford na eh. but i'm still a fan though.

ev said...

happy birthday bes! am wishing more of your dreams to come true.:)

Jenn Besonia said...

Happy burp day!

wITChy Boop said...

hahahaha Jenn enk u!

bes and jei~ talamat din...

joan said...

labs! hapee berthdey! wish u ol d best! wabshu! mishu!

wITChy Boop said...

joan.... wabshu tooo..... kishesss.... esmak..esmak..esmak

moongoddesslae said...

happy bday!wala akong mapiling damit s ukay ever since...malas.hehe

nancy said...

Hellooo.. pwede pa mo greet?

Happy Birthday, Loves! Sana, nailuto kita ng pancit :D