Mar 23, 2009

Books


Natuwa naman ako while reading some books of Bob Ong.
Nasabi nya kasi dun sa libro na me nabili syang books na kung saan ay me copy rin ako.
Matagal na rin ito sa akin. Malapit na ngang maging antik (~tuwa~).
Kung si Bob Ong binili iyun dahil sa disappointment sa kakulangan ng mga books authored by filipinos tungkol sa pagsusulat, ako naman ay sadyang binili yun dahil pinangarap kong makapag-sulat din ng romance novel.

Past time ko kasi nung college ang tumambay sa Victoria Plaza at maghanap ng mabibiling second hand books sapagkat di kaya ng baon ko ang bumili ng mamahaling libro. At that time, wala pang Gaisano Mall or SM or National Bookstore sa Davao. Kaya maligaya na ako sa Victoria Plaza.

In a way natutunan ko ang mga technical aspect ng pagsusulat for komiks at pocketbooks sa librong iyun. Di naman din kasi itinuro yung mga bagay na yun nung college pa ako. Ang pinaka the best part dun ay yung naiintindihan ko kung paano sinusulat ang mga komiks at romance novel na binabasa ko buong magdamag.

Kapag naman masyado akong na-hooked ng story, di ako natatakot umabsent o kaya'y ma-late sa school kahit na me exam pa ako (proud pa ha?).

Yung Trip to Quiapo ni Ricky Lee ay sadya kong pinabili sa Manila. My cousin send it to me. Wala lang, gusto ko kasing malaman yung difference ng turo nya sa script writing compared to my teacher noong araw. Masyado na kasi ang bilib ng iba kung classmate ke Sir samantalang ako, ni hindi ko man lang makapa kahit na kunting paghanga sa kanyang style of teaching. (Mahirap talaga akung i-please noong araw)

Ricky Lee came to visit my school. Workshop yata yun na kung saan siya ang aming speaker. Medyo boring syang pakinggan kasi nga malumanay kung makipag-usap si Mr. Lee but that was one of the best moment I ever have during those days.
Ang pinanghihinayangan ko lang naman ay yung hindi ko naitanung sa kanya ang mga bagay bagay na gusto kong itanong. Lintek! Nahiya kaasi ako nun! Grabee... na-shock nga ako sa sarili ko kung bakit ko naramdaman ang damdaming iyun. Shit talaga kasi looking back, natatawa na ako.

Me mga story to tell pala yung ibang mga bagay na naitago na natin.
Di ko na sana mapapansin ang mga librong ito kung hindi ko nabasa ang buk ni Bob Ong.
Na-touched ako kaya tuloy ini-a-arrange ko ulit yung mga libro kong kinokolekta.

10 comments:

Anonymous said...

pasalamat ka pa pala kang bob ong. dahil sa kanya, nagligpit ka ng mga libro mo, hehehehehe. magaling talaga si bob ong, medyo dehins ko type si Mr. Lee at sino ba yung professor na sinasabi mo? si Sir Javier ba?

SailorWitch said...

hahahahahahahaha!
me crush ka ba ke javier?

Anonymous said...

di ba medyo bading yun? hehehehe. ay! sorry po!

SailorWitch said...

di oi. nakick out nga yun sa ateneo dahil nagkagf ng studyante nya gang...

Anonymous said...

hindi gang, kusa siyang umalis sa ateneo kasi may nakaaway siyang isang professor namin na super sungit!

SailorWitch said...

gang believe me....
binigyan lang sya ng graceful exit.
ang totoo wala syang choice kasi nainlove sya.

Anonymous said...

Masyadong matunog yang Bob Ong n yan a... Di pa ko nakakabasa ng kahit na anong sinulat nya. Try nyo si Jessica Zafra...ung Twisted books nya. I dont have it at home. Binabasa ko lang s National.LUUUV IT.LUUUV HER.

SailorWitch said...

Ay gany Lae, pareho kayu ni gang jei. she loves her too!

jei said...

gang lae, lovi hates jessica zafra, believe me.

SailorWitch said...

bruha ka jei!