The day that we were advice to go out from the hospital, that was 5 days after BS was born, mommy told me that something was wrong ke BS. Obserbahan ko daw. I take note of it. Sinabihan ko si Ervien, pero sa sobrang kabaitan nga, tahimik lang sya, ni hindi man lang kumibo.
True enough, palaging nag je-jerk ang bata. So hindi na ako mapakali nun, kaya kinulit ko ng kinulit si Ervien na ipacheck-up na ito. naging sanhi pa nga ng away namin ulit. To discover lang na si mama pala ang nagasulsul sa kanya na kaartehan ko lang daw yun, at gastos na naman daw ang hanap ko.
What do you think would I feel? Kaartehan, kahit sya nakikita nya naman na nagajerk si BS. Normal lang daw yun sabi nilang mag-ina? Normal ba yung halos kada-oras may involuntary movement ang beybi?
Tapos ang kapal ng mukha ng mag-ina kasi gastos pa ang inisip na nanany ko naman ang nagbayad ng hospital bill ko na worth 28 thousand pesos. During the first day after an hour I gave birth to my son, nagparinig pa nag mama bakit nagprivate -private daw ako. Ano daw ang ibabayad ni Ervien. Napakawalang awa naman nito sa akin?
Siguro nga kasi di nya alam na parent ko ang magbabayad.
And so back to BS.
With or with out Erviens Approval, pinacheck -up ko si BS. Nag away pa kami bago sya sumama at umabsent sa office nya. Yun kulang pala ng calcium kailangang i hospital para malagyan ng calcium through dextrose. Wala pang oral intake ng calcium nun.
Ervien brought my newly born son sa ward.... nagulat ako.
Andaming mas may sakit na bata dun, di pa to nag iisip na baka mahawaan ang anak nya?After 5 minutes sa ward dumating ang nanay nya to confirm kung sa ward nga naadmit ang bata gaya yata ng pinag-usapan nila.
My heart bleeds many times sa ginagawa nng asawa ko but para lang di sya mainsulto, kinausap ko ang mommy na pakiusapan at pakiliwanagan si Ervien na delikado si BS dun.
Yun at nakinig din ang ending? Mommy ko rin ang nagbayad.
Im just so lucky to have my mom and my papa at that point of my life. They were my strength to fight para sa mag ama ko. Kay Bs na palaging naoospital at ke Ervien na walang desisyon at paninindigan.
Pwede nya akong saktan kapag napre-pressure ng nanay nya. Di nya lang kaya physically kasi ilalaban ko ng patayan ang karapatan ko. Ang tapang ko pagdating dyan. Eto lang yung mahirap, kapag Im alone with my son sa house, umiiyak na ako. Minsan kausap si mommy na parating nagpapatibay ng loob ko. So when Ervien gets home, okey na naman akong tingnan. But I have been hurting many times inside.
Ang nakakatawa pa during the hospitalization ni BS, Si Ervien told me na sabi daw ni mama vicky i-pull out na lang daw si BS sa hospital kasi nanguarta lang daw ang doctor. Grabeee away na naman kami. Of course bakit ko naman papayagan yun?
May 22, 2007
Eight days after BS was Born
Posted by SailorWitch at 10:28 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment