Sangkatirbang trabaho ang ginagawa ko these days that I could not even afford to spend time blogging. Hays... para naman akong nagpapayaman nito palagi~~~ dyuske..sana nga magkatotoo. Anyways, di naman dahil sa napaka materyoso kong tao kundi wala lang~~ what if one day eh yumaman talaga ako nO? Anu kaya ang bibilhin ko? Siguro kung magpapakanoble ako, hmmm... me pagkakabusyhan akung charity, pero kung mapapakabad naman ako, i-mamadyung ko na lang ang subra subra kong pera~ hehehehe~ anu ba tong naiisip ko~ ansama!!!!
Ah ewan, wala lang akong maisip. Hmp!
My friend Matet lumipad na pajapan the other week. Yun iniexpect ko na kasi we just have a sayonara party before she left. Itong lipad naman ni Daisy, yung other friend ko pa-Dubai...yun doon ako medyo nagulat. Di ko kasi alam. Kung di ko pa naopen ang email ko today, nakuuu di ko malalaman. Ang lungkot kasi unti-unti ng nagsipaglabasan yung ibang mga friends ko pati pala yung di ko paburitong brother~ nagmigrate na rin sa Canada. Malungkot nga ang mommy. Malayo na sila.
Kwento ko lang, I've never been close to my brother. Ewan kung bakit basta mutual yung feelings namin. We dont have this LOVE thing foe each other. 3 days before he left the country he stayed in the house. Spending time ke mom and dad. He tried to talk to me, pero I just ignore him. Alam mo na, me history ng painful experience ako sa kanya. So I just treat him invincible. Nung paalis na sya, simple goodbyes lang. Ni hindi nga inihatid ng mom. My cousin Bimbim just hugged him and told him na mag-ingat. Wala akong na-feel. Kiber!
Two days after that, I saw my mom fixing the things left by my brother in his room. Nakita ko ang tears nya. She was crying. Booshiitt... napaiyakn tuloy ako.
"Mommy anu ka ba, ba't iiyak-iyak ka dyan?"
"Na-miss ko bigla si Erwin eh." My mom replied
"Ang corny-corny mo." sabi ko uli sa kanya sabay hug.
"Huwag ka na kasing mag-ayos ng gamit nya."
Pinagpatuloy ng mommy ang pag-aayos.
I know she wanted to be alone and so I left her crying.
Sad no? Iba talaga ang ina.
Paano kaya kung kami naman ang aalis?
Kalungkot siguro.......
Pero alam nyo, I'm so excited to leave the country.
Sep 25, 2008
Posted by SailorWitch at 9:09 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hi witchy miss na kita!
sobrang bait ng mga ina talaga!iba ang patience nla s mga anak nla
Post a Comment